USACFI
  • Portfolio
    • AI/ML
    • Atipan Project >
      • Atipan Health Blog
    • COVID-19 Toolkit >
      • COVID-19 Guidelines
      • Epidemiology >
        • Epidemiology 1: Hospital Resources
        • Epidemiology 2: Population Modeling
        • Epidemiology 3: Tools
        • Epidemiology 4: Genomic Surveillance
      • PPE Needs Dashboard
    • Electronic Medical Record: UNEMR
    • MPA-FishMApp
    • USASET
    • Collaborations >
      • RODE Project
      • NOMHIR
      • PCN-TIS
      • CNBIG
      • Covid-19 Patient Data Consortium
  • Our Latest News
    • Publications
  • Resources
    • Data Governance
    • InShelf Inventory
    • U-Contact Trace
    • ILO Health Map
    • FHIR
    • EpidSurge
    • FLDR
    • CFI Tickets
    • REDCap
    • UnEMR
  • Training
    • Summer Internship 2022
    • Summer Internship 2021
  • About CFI
  • Contact Us

ATipan Health Blog

Perspektibo:  Ang Atipan sa Kwento ng mga Health Coordinators

12/7/2022

0 Comments

 
“Hangga’t maaari, wala kaming pasyenteng mamamatay.” Ito ay mga salitang binitiwan ni  Ericka Villasor, isa sa mga health coordinators ng Atipan. Hindi ko aakalaing maririnig ko ito sa isang  indibidwal na hindi doktor o eksperto sa medisina. Para sa akin, ito ay mga katagang punong puno ng  determinasyon at dedikasyon na maging isang epektibong taga-paghatid ng serbisyong medikal sa mga  komunidad na hirap maabot. Araw-araw silang nakikipag-interaksyon sa kanilang mga kasama upang  ipakilala ang telehealth at mabigyan ng medikal na atensyon ang nangangailangan.
Ang pagpapakilala ng bagong sistemang pangkalusugan at teknolohiyang kalakip nito ay hindi  naging madali para sa mga health coordinators at bumubuo ng Atipan. Ang komunidad ng mga Ati ay  may sariling kultura at mga paniniwala na kailangan respetuhin. Ngunit ayon sa panayam kay Propesor  John Paul Petrola, Indigenous Communities Coordinator ng Atipan, naging hakbangin nila na magkaroon  ng konsultasyon sa bawat komunidad maging sa pagpili ng kanilang mga magiging health coordinators.  Ang prosesong ito ay nakatulong upang matutunan nila na akuing parang kanila ang proyekto. Sa kabila  nito, marami pa ring pagsubok ang patuloy na hinaharap ng mga health coordinators. 

“Tumatawid po kami ng ilog para maabot ang mga kasama namin...”, kwento ni Ericka. Malayo  mula sa bayan ang kanilang mga lugar at isa ito sa mga balakid na kanilang hinaharap ng may labis na  pagpupursige dahil naniniwala sila sa kahalagahan na mabigyan ng access ang mga kasamahan sa  komunidad sa mas magandang pasilidad na magpapanatili ng kalusugan ng bawat isa. Ang libreng  checkup at gamot na hatid ng Atipan ay malaking bagay para maibsan ang pangangailan ng mga Ati. 

Kagaya ni Ericka, nakakaranas din si Germalyn Forteza, isa ring health coordinators, ng mga  pagsubok. Nariyan ang kawalan ng tiwala ng mga kasama sa komunidad sa telehealth, mahinang signal,  biglaang pag-cancel ng mga konsultasyon, at marami pang iba. Sa kabila ng lahat, sila ay nagpapatuloy.  Sa aking pakikipanayam sa kanila, bakas sa kanilang mga kwento ang pananabik sa kung ano pa ang  pwedengmaibigay ng telehealth hindi lang para sa kanilang komunidad kung hindi pati na rin sa  kanilang personal na paglago. “Gusto ko po iyon na ma-challenge po ako na iba-iba po ang maranasan  ko sa pagte-telehealth”, ani Ericka na sinangayunan naman ni Germelyn. 

Marahil nagtataka ka rin, saan kaya galing ang determinasyon nila sa proyektong ito? Bagaman  lumaki sa ibang kultura at paniniwala, nakita nila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na  sistemang pangkalusugan para magkaroon ng malusog na komunidad. Gayun din ang pagkakaroon ng  teknolohiyang magagamit upang mas mailapit ang serbisyong gaya ng telehealth sa kanilang lugar. Ito  ang isa sa pinakadahilan ng kanilang masigasig na pagganap sa mga tungkulin bilang health  coordinators. 

Ang mga health coordinators ay mga lokal sa komunidad na sakop ng Atipan Project. Sa  pagkakaroon ng konsesus ng mga lider ng komunidad, napili sila upang gampanan ang tungkulin na ito.  Karamihan sa kanila ay babae at halos lahat ay kilala sa komunidad at pinagkakatiwalaan. Maliban sa  kanilang estado sa komunidad, ang mga health coordinators ay sumailalim sa iba’t ibang training at  capacity-building activities kaugnay sa teknolohiya, medisina at iba pa upang maging handa sa  gampaning ito. Sila bilang kabahagi ng Atipan ay isa sa may pinakamalaking kontribusyon sa tagumpay  ng proyekto. Ang kanilang pagpapatuloy sa pagtulong sa pamamagitan ng teknolohiyang telehealth at  pagbibigay aruga sa mga kasamahan nilang nangangailangan habang di alintana ang mga pagsubok  bilang health coordinators ay di matatawaran lalo na sa panahon ng pangangailangan.

Author

Ang artikulong ito ay parte ng serye ng mga istorya tungkol sa Atipan Project ng Center for Informatics University  of San Agustin Iloilo at mga indibidwal na nagrerepresenta ng mga sektor na kabilang sa proyekto. Isinulat ni Issa  Paulmanal, isang graduate student mula sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. email: edpaulmanal@up.edu.ph

0 Comments



Leave a Reply.

    Archives

    December 2022

    Categories

    All

    RSS Feed

Center For Informatics

Support

Contact Us
Principles
Data Governance
  • Portfolio
    • AI/ML
    • Atipan Project >
      • Atipan Health Blog
    • COVID-19 Toolkit >
      • COVID-19 Guidelines
      • Epidemiology >
        • Epidemiology 1: Hospital Resources
        • Epidemiology 2: Population Modeling
        • Epidemiology 3: Tools
        • Epidemiology 4: Genomic Surveillance
      • PPE Needs Dashboard
    • Electronic Medical Record: UNEMR
    • MPA-FishMApp
    • USASET
    • Collaborations >
      • RODE Project
      • NOMHIR
      • PCN-TIS
      • CNBIG
      • Covid-19 Patient Data Consortium
  • Our Latest News
    • Publications
  • Resources
    • Data Governance
    • InShelf Inventory
    • U-Contact Trace
    • ILO Health Map
    • FHIR
    • EpidSurge
    • FLDR
    • CFI Tickets
    • REDCap
    • UnEMR
  • Training
    • Summer Internship 2022
    • Summer Internship 2021
  • About CFI
  • Contact Us