USACFI
  • Portfolio
    • AI/ML
    • Atipan Project >
      • Atipan Health Blog
    • COVID-19 Toolkit >
      • COVID-19 Guidelines
      • Epidemiology >
        • Epidemiology 1: Hospital Resources
        • Epidemiology 2: Population Modeling
        • Epidemiology 3: Tools
        • Epidemiology 4: Genomic Surveillance
      • PPE Needs Dashboard
    • Electronic Medical Record: UNEMR
    • MPA-FishMApp
    • USASET
    • Collaborations >
      • RODE Project
      • NOMHIR
      • PCN-TIS
      • CNBIG
      • Covid-19 Patient Data Consortium
  • Our Latest News
    • Publications
  • Resources
    • Data Governance
    • InShelf Inventory
    • U-Contact Trace
    • ILO Health Map
    • FHIR
    • EpidSurge
    • FLDR
    • CFI Tickets
    • REDCap
    • UnEMR
  • Training
    • Summer Internship 2022
    • Summer Internship 2021
  • About CFI
  • Contact Us

ATipan Health Blog

Aruga sa Teknolohiya: Ang Pagbuo ng UnEMR ng Atipan

12/7/2022

0 Comments

 
Ang Atipan ay isang proyektong pangkalusugan na inilunsad taong 2022 bilang tugon sa  matinding pangangailangan sa komunidad ng mga Ati sa Kabisayaan. Dahil sa pandemyang  dulot ng Covid-19, nasubok ang sistemang pangkalusugan ng bansa lalo na sa pag-abot ng mga  nasa malalayong lugar. Ayon sa isang panayam kay Dr. Pia Fatima Zamora, ang Telehealth  Coordinator at eHealth Physician ng Atipan, ang pakikibahagi sa mga mas nangangailangan ang  nagbukas ng kanyang mga mata sa mas malaki pang pangangailangang matugunan ang public  health sa bansa. Higit sa lahat, nananatiling pagsubok ang pag-abot sa mga indigenous na grupo  sa bansa hindi lamang dahil sa pinagkaiba sa kultura ngunit pati na rin ang geograpikal na  lokasyon ng mga ito kung saan bundok at ilog ang kailangang tawirin para makasangguni sa mga  doktor o kaya naman at health workers. At mas lalo itong naramdaman at nakita noong  nagkaroon ng pandemya.

Isa sa mga naging sagot para sa agwat na ito ay ang paglulunsad ng telehealth. Ang  telehealth ay tinutukoy bilang paggamit ng telecommunication at information technology  upang maging posible ang pagsanguni sa doktor gamit ang teleconferencing. Nabigay daan ito  upang matignan, matukoy, maiwasan at malunasan ang mga karamdaman ng isang indibidwal  kahit na malayo ito sa mga doktor at health workers.  
Sa pangunguna ni Mr. Raphael Nelo Aguila, ang Software Developer ng Atipan, nabuo  ang sistema at kalakip na teknolohiya ng telehealth para sa Atipan. “Hindi lamang software ang  binuo nating kung hindi ay sistema. Nagkaroon ng survey at initial na pag-aaral para dito  hanggang sa napaunlad natin ang Uncomplicated Electronic Medical Record (UnEMR) na  pinasimulan ni Dr. Romulo de Castro, ang Project Lead ng Atipan,” ani Mr. Aguila sa isang  panayam.  

Upang mabuo ang UnEMR, masugid na inaral ang teknikal na aspeto nito upang maging  kagamit-gamit sa parehong mga doktor at health coordinators. Ayon kay Propesor John Paul  Petrola, naging isang malaking konsiderasyon din ang network signal sa pagpili ng mga  komunidad upang masiguro magamit at maging kapaki-pakinabang ang telehealth ng Atipan.  Liban sa network signal, masugid ding tinukoy kung anong mga video conferencing platforms  ang tugma sa mga komunidad. “Nag-set-up kami ng limang video conferencing platforms. Dito  napili namin ang Messenger, Jitsi, isa sa bago pero magaan na video conferencing tool na aking  naisama sa dito, Viber, Skype at Zoom” ani Mr. Aguila.  

Sa proseso ng pagbuo, isang naging hakbangin din ang pagkonsulta sa mga doktor at  mga health coordinator na gagamit ng teknolohiyang ito. Dumaan ang UnEMR sa pilot testing  kung saan pinakilala at itinuro sa mga health coodinators kung paano ito gagamitin upang  maisakatuparan ang telehealth sa kanilang komunidad. “Nagulat din ako na kaya na nila at  hindi sila nahirapan na gamitin ito,” pagbabahagi ni Mr. Aguila tungkol sa nangyaring pilot  testing. Bagaman bago para sa mga health coordinators ang paggamit ng mobile phones at  application para sa telehealth, naging madali para sa kanila ang matutunan ang ito. Ang bawat  isa sa kanila ay sumailalim sa mga pagsasanay at binigyan ng sari-sariling mobile phones at  tablet na gagamitin para sa telehealth. “Yong mga training po namin na ganito ay mas  lumalawak po ang kaalaman namin…gusto ko po ‘yon. Nacha-challenge po ako na iba iba po ang maranasan ko sa pagte-telehealth po,” pagbabahagi ni Ericka Villasor, isa sa mga health  coordinators ng Atipan. Ayon kay Mr. Aguila, naging madali ang kanyang binuo na software  dahil ito ay naplano, binuo at inimplementa habang kinokonsidera ang mga indibidual na  gagamit nito. Dagdag pa niya, hindi kasarian ngunit edad ng health coordinators ang nakita  niyang maaaring maging dahilan upang hindi agad masundan o magamit ang UnEMR ng Atipan.  

Sa kasalukuyan, ang teknolohiyang ito ay nagiging tulay upang maibigay ang aruga at  pangangalaga sa mga Ati na malalayo sa mga pasilidad na pangkalusugan. Base sa datos na  nakakalap gamit ang UnEMR, masasabing isang tagumpay ang paglulunsad ng teknolohiyang ito  sa noo’y parang kay hirap abutin na mga indibidwal. Sa katunayan, ang mga datos na nakukuha  mula dito ay maaaring maging batayan pa upang mas mapalawig at mas paganda ang mga  serbisyo, programa at proyekto para abutin ang mga Ati at iba pang komunidad sa Kabiasayaan.  Hangad ng Atipan na hanggang sa pagpasa ng mga polisiya, ang datos na kanilang nakukuha sa  pamamagitan ng sistemang ito ay maging boses ng mga Ati upang iparating ang kanilang tunay  na kalagayang pangkalusugan at iba pang pangangailangan.

Author

Ang artikulong ito ay parte ng serye ng mga istorya tungkol sa Atipan Project - Center For Informatics Iloilo  at mga indibidwal na nagrerepresenta ng mga sektor na kabilang sa proyekto. Isinulat ni Issa Paulmanal,  isang graduate student mula sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. email: edpaulmanal@up.edu.ph

0 Comments



Leave a Reply.

    Archives

    December 2022

    Categories

    All

    RSS Feed

Center For Informatics

Support

Contact Us
Principles
Data Governance
  • Portfolio
    • AI/ML
    • Atipan Project >
      • Atipan Health Blog
    • COVID-19 Toolkit >
      • COVID-19 Guidelines
      • Epidemiology >
        • Epidemiology 1: Hospital Resources
        • Epidemiology 2: Population Modeling
        • Epidemiology 3: Tools
        • Epidemiology 4: Genomic Surveillance
      • PPE Needs Dashboard
    • Electronic Medical Record: UNEMR
    • MPA-FishMApp
    • USASET
    • Collaborations >
      • RODE Project
      • NOMHIR
      • PCN-TIS
      • CNBIG
      • Covid-19 Patient Data Consortium
  • Our Latest News
    • Publications
  • Resources
    • Data Governance
    • InShelf Inventory
    • U-Contact Trace
    • ILO Health Map
    • FHIR
    • EpidSurge
    • FLDR
    • CFI Tickets
    • REDCap
    • UnEMR
  • Training
    • Summer Internship 2022
    • Summer Internship 2021
  • About CFI
  • Contact Us